Akala ni John ay biruan lamang ng lahat. ‘Yun pala ay may laman na ang bawat banat ng kaibigang si Ivan kay Janine. Na-develop na ang pasaway!
Ang alam niya ay nakikiuso lamang si Ivan sa mga pick-up lines at si Janine ang babaeng ginawang “subject” nito. Si Janine kasi ang klase ng taong medaling sumakay sa trip at biro ng iba. Walang kaalam-alam ang buo nilang opisina sa tinatagong damdamin ni Ivan para kay Janine.
Hindi pa nababalitaan ni John na na-in-love ang kanyang Joker na kaibigan. Seryoso pala ito pagdating sa pag-ibig, as in dead serious. Dalawang araw nang di normal si Ivan… tahimik, bihira na magbiro at laging malalim ang iniisip.
Nagulat na lang sila John noong biglang binigyan ni Ivan si Janine ng roses at nagsabing…
“Seryoso ako, Ja.” Sabay luhod, “Mahal kita.”
Umulan ng kantyaw noon. Napanganga si John at Billy. Naghalong pula at itim ang mukha ni Ivan pero aninag sa maluha-luhang mata niya ang pagiging sincere. Samantalang si Janine ay nagtakip ng mukha, nahihiya.
“Sagot naman diyan!” sigaw kay Janine ni Nikko, ang makulit nilang katrabaho. Lalong dumami ang kantyaw ng mga tao sa kanila. Napuno ng “uyyy” at “ayee” ang pormal nilang opisina.
“Uy, Van! Tumayo ka na diyan, please!” pakiusap ni Janine. Di pa rin tumayo si Ivan. Nakatitig lang siya kay Janine, nag-aantay. Pilit siyang hinihila ni Janine pataas.
“Sagot!” kantyaw pa ng mga katrabaho.
“Van, alam mo namang di pa ako ready. Ayoko pa. kaya tumayo ka na, please!” Isang malakas na sabi ni Janine.
Natahimik ang mga tao sa paligid. Kahit nga si John ay lalong napanganga sa narinig. Tinignan agad ni John ang kaibigan na nanlumo sa narinig. Dali-daling lumabas si Janine ng opisina. Naiwan si Ivan at ang buong opisina.
Matapos ng pangyayaring iyon, nag-half day si Ivan. Di na nakausap ni John ang kaibigan. Tinext niya ito pero walang sagot. Sinubukan na rin ni Billy na tawagan si Ivan pero patay ang cellphone nito. Lalong nag-aalala si John para sa kaibigan.
Ok lng ako mga dude
Text ni Ivan. Sana nga ay okay talaga siya.
____________________________________________________________________
“Ano ka ba, Ja! Ang tanga mo talaga!”
“Oo na! Ako na itong si tanga.”
Hindi maisip ni Tonette ang tamang salita na maitatawag sa kaibigan niyang si Janine. Kung ako siya, nasunggaban ko na si Ivan, isip ni Tonette.
“Aminin mo nga sa akin, Ja. Ayaw mo ba talaga si Ivan?”
“Ewan ko.”
“Ewan?! Sampal gusto mo?”
“Tonette naman kasi!”
Nang umuwi si Janine kanina, si Tonette agad ang hinanap nito. Namumula niyang ikinuwento ang tungkol kay Ivan.
Si Ivan. Siya ang lalaking nagpapakilig ng todo kay Janine. Kahit korny at cheesy ‘yung mga lines na ikinukwento niya, todo sa kilig pa rin si Janine sa tuwing magkukuwento.
Agad niyang ikinuwento ang mga nangyari sa kanilang opisina: ang mga ginawa at sinabi ni Ivan sa kanya, pati na rin ang mga reaksyon ng mga katrabaho nila. Sinabi niya rin ang mga nagging reaksyon niya.
“Friend, di talaga kita gets. Napahiya na ang tao sa harap ng madla, still you have refused him? Sus!”
“E kasi—“ Naputol ang sasabihin ni Janine. Agad itong sumimangot at nag-isip. “Hindi ko naman talaga siya ni-refuse.”
“Ay ewan ko sa’yo, friend.” Sabay walk-out si Tonette.
Iniwan ni Tonette si Janine sa sala ng kanilang boardinghouse. Alam niyang confused lang si Janine sa mga nangyayari. Pero hanggang kalian? Kalian kaya niya aamining in-love na rin siya?
No comments:
Post a Comment