Tumunog ng pagkalakas-lakas ang
cellphone ko. Nabulabog ang buong kwarto. Nahinto rin ang maiging
tsismisan namin ng aking kababatang si Nikko. Tiningnan ko ang aking
cellphone. Tumatawag si Bryan, ang boyfriend ko.
“Best, sandali lang. Tumatawag
si Bryan,e.”
“Sige lang. Ganyan naman talaga
kayo,” sagot ni Nikko. Pagkatapos noon ay pabulong niya pang
sinabi, “Ang mga syota talaga, sagabal sa kasiyahan.” Natawa lang
ako at sinagot ang tawag ng aking boyfriend.
_________________________________________________________________
Matagal ko nang kilala si Nikko.
Simula pa nga yata ng nasa sinapupunan kami ay nag-tsitsismisan na
kami kasabay ng aming mga nanay. Kapitbahay lang namin sila Nikko at
malapit na magkaibigan ang mga pamilya namin. Sa sobrang lapit ng
aming mga pamilya ay aakalain mo nang magkakadugo na kami. Masasabi
kong, sa lahat ng kaibigan ni Nikko, ako na ang tunay na
nakakakilala sa kanya.
Bakla. Yan ang tingin sa kanya ng
marami. Kahit nga yata ang nanay niya ay kumbinsidong bading ang
kanyang anak. Sa kanyang malamyang kilos, maputing balat at mas
maputing mukha, lambing ng pagsasalita at payat na pangangatawan,
siguradong sa unang tingin ay masasabi mong bakla nga ang aking
kaibigan.Pero Hindi naman talaga bakla si Nikko. Sigurado ako doon.
Alam ko, dahil naging saksi ako sa pagbabago niya.
College kami noon. Medyo iba pa
noon si Nikko. Malambot nga ang mga galaw niya pero lalaki pa rin ang
itsura niya. Isa si Nikko sa mga matatalino sa klase. Sa katunayan
nga, nang dahil sa pagtuturo niya sa akin ay sabay kami
nakagraduate. Simula pa noon ay masayang kasama si Nikko. Marami akong naging kaibigan dahil sa kanya. Siya kasi ang klase ng taong gusto ang
nasa maraming tao. Sociable, friendly, matalino.
Wala pang nagiging girlfirend si
Nikko. Marami siyang naging crush simula pa noong elementary, pero
hanggang tingin lang siya. May pagka-torpe din kasi siya. Kaya nga
nagulat ako noong college kami nang magsabi siya sa akin, “Best,
paano ba manligaw?”
“Naks! Ikaw ba yan? Sino naman
ang liligawan mo?” biro ko. Inalala ko ang lahat ng magagandang
babae na hinahangaan ni Nikko. Sigurado isa sa kanila ang naisip niya
nang ligawan.
“Si Jane.”
Nagulat ako sa sagot niya. Matindi
ring pumili ang kaibigan ko. Isa rin si Jane sa matalino sa kanilang
klase. Consistent dean's lister at talagang maganda. May kaya rin ang
pamilya nung babae. “Wow! Seryoso? O, sige tutulungan kita.”
Simula noon, nagsimula nang gumawa
ng mga paraan si Nikko na mapalapit kay Jane. Sinasabayan niyang
kumain sa canteen at umuwi. Napadalas din ang mga group study nila at
kadalasan ay si Jane ang nagyayaya sa kanilang bahay. Sa mga ginagawa
ni Nikko, hindi pa rin niya sinasabing direkta kay Jane ang kanyang
panliligaw.
Simula rin noon, medyo nabawasan
na ang mga oras ni Nikko sa aming mga tsismisan. Pero ayos lang iyon
sa akin kasi nakita ko namang masaya siya. Habang napapalapit siya
kay Jane, lalong hindi mabura ang mga ngiti niya sa mukha.
Tinutulungan ko na rin siya noon na gumawa ng palusot para sa mga
magulang niya sa tuwing siya ay mahuli ng uwi o maubusan ng
allowance.
Tatlong buwan na ang nakalipas.
Isang linggo na lang bago ang aming graduation. Kagagaling ni Nikko
sa bahay nila Jane. Ibinalik niya ang ilang mga notes na hiniram
niya. Umuwi si Nikko ng tahimik. Hindi nga rin niya ako binati kahit
na nasa may tindahan ako sa tapat ng mga bahay namin.
Pumasok ako sa bahay nila.
Sinundan ko siya sa loob ng kanyang kwarto. Nakita ko siyang nakadapa
sa kama niya at nakasubsob ang mukha sa unan. Naupo ako sa gilid ng
kama niya at tinapik ang binti niya.
“Best? Okay ka lang ba?”
Nakarinig ako ng natatakpang hikbi mula sa kanya.”Uy, Best. Anong
nangyari?”
Niyugyog ko siya saka siya umupo
at yumakap sa akin. “Best.” Ayun lang ang nasabi niya at umiyak
na siya.
No comments:
Post a Comment