Saturday, September 29, 2012

To be rewritten...

Last July, I started to post a series entitled "Ang Pag-ibig Ko'y Mabubuko". It was a daring thing for me to do. Eventually, by August I stopped posting the compromised chapters. I have only posted 4 chapters and the story was cut.

I apologize for cutting the story. But like what I said, it was a daring thing for me to do. It was too ambitious.

A friend told me, "You better finish writing the story first before posting it on your blog." The story is already halfway to the ending in my mind. But because of work and other things I need to do, I can't easily write it like how I complete the story in my mind.

For now, I'll follow my friend's advice. I'll finish writing the story and concentrate really hard to make the story very interesting. I'll post every chapter when I am finished writing the whole story. I love Meryl's story. I am also planning to rename some of the characters and make some changes in the flow and the way the story was told.

'Til the next "Ang Puso Ko'y Mabubuko". #APKM

Tuesday, September 04, 2012

New Thing Naman!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, mapapansin mo na paulit-ulit na lang ang iyong ginagawa.'Yun bang papasok ka sa eskwela o sa trabaho tapos uuwi ng bahay. Matutulog para gumising kinabukasan para pumasok sa eskwela o trabaho. Tapos uuwi at matutulog ka ulit. Siyempre magdadasal ka na sana ay magising ka pa ulit kinabukasan para pumasok sa eskwela o trabaho. Uuwi ka ulit at matutulog. Magsusumamo na sana ay magising ulit para mag-aral o magtrabaho. Pagkatapos ay uuwi ka, matutulog at magdadasal na sana ay matigil na ang paulit-ulit mong buhay. 'Yung tipong magdadasal ka na sana ay di ka na magising para pumasok sa trabaho o eskwela kinabukasan. Tumanda at mamamatay ka na lang na walang resulta ang buhay mo. Hayyyy!

Siyempre, doing the same things will definitely give you the same results. Kung gusto natin ng bagong resulta, why not do something new? Life is an adventure not a routine. Kung sa tingin mo ay ginawa lang tayo ng Diyos para gawin ang mga bagay-bagay nang paulit-ulit sa ating mga buhay-buhay, naku! Sayang, Dude, ng buhay-buhay mo. (damay-damay na ang lahat-lahat sa ulit-ulit)

Eto nga lang ang problema. Ayaw ng tao na mag-risk. Sa paulit-ulit nating ginagawa sa araw-araw (ulit-ulit nanaman), nagiging comfort zone na natin ang buhay na ito. Kung sakaling may nangyari na di kasama sa routine ng buhay natin, malamang ay nagpa-panic na tayo. Takot na tayong iwan ang mga nakasanayan nating gawi at mag-try ng bago.

Isa pa sa ugali natin ay eto. Sunod sa agos. Sumayaw-sumunod. Kung ano ang daloy sa nakararami ay doon na rin makikisagwan. Ayaw man lang gumawa ng sariling agos ng buhay. Ayaw mag-imbento ng sariling steps at ipagmalaking isayaw ito sa madla. Ni ayaw man lang sumagwan ng kontra sa daloy ng nakararami. San na ang individuality? Saan ang self-innovation at creativity? Nasaan na ang identity? Maraming pupuna dahil sa naiiba ka. So???

Life is an adventure not a routine. Walang adventure kung walang taking risks. Walang bagong resulta kung walang bagong ginagawa. Sana naman ay magsawa ka na sa routine mo and really put on your life.