Wednesday, February 22, 2012

BIRO: SI JANINE


            “Bilis, Ja.”
            Mabilis si Tonette nawala sa makapal na daloy ng tao sa entrance ng coliseum. Di na makita ni Janine ang payat na katawan ng kaibigan. Tumingin siya sa kaliwa’t kanan. Harap at likod. Wala na roon ang kaibigan.
            Sumingit siya sa mga nagsisiksikang lalaki sa harapan niya. “Excuse me po! Excuse. Makikiraan.”
            Hindi niya na mahanap ang kaibigan. Hindi na rin siya makalabas ng coliseum. Nasarhan na ng mga naglalakihang mama ang entrance.
            Finals ngayon ng season 36 ng PBA. Nayaya siya ng kanyang kaibigan at boardmate na si Tonette na manood ng game 5 ng Powerade vs. Talk N’ Text. Super fan ng Talk N’ Text si Tonette at crush nito si Jimmy Alapag. Di man mahilig si Janine sa basketball ay napapayag siya sa pakiusap ng kaibigan. Ngayon ay nawawala siya sa kakaibang mundo sa loob ng coliseum.
            Pumunta siya sa gilid at idinikit ang likod sa isang haligi. Nagsisisi siya kung bakit pa sumama. Kahit palakaibigan siyang tao, ayaw niya sa lugar na maraming tao. Nagmamasid lang siya sa bawat fan at nakikiusyoso sa laro – pinapanuod ang lahat ng nagdaraan sa harap niya.
            May nakita siyang isang lalaki na may dalang malaking gomang kamay na naka-number one. Mayroon ding babae na bitin ang sky blue blouse, halos kita ang pusod. Natawa si Janine. Di niya kayang magsuot ng ganoon.
            Nakatawag pansin niya ang isang matabang lalaki na naka-dilaw. Maingay ito at panay ang tawa. “Confirm!” bulong ni Janine. Naalala niya dito ang katrabahong si Nikko. Tapos, may nakita siyang lalaking nakatalikod. Mukhang kilala niya ito. Bakit nandito itong taong ito?
            Nilapitan niya. Hinampas ng malakas sa braso. “Uy, Van!”
            Humarap ang lalaki. Nasaktan sa ginawa niya. Galit. Hindi siya si Ivan.
            “Ay, sorry po!” Hindi  niya alam ang gagawin, kung yuyuko ng napakababa o hihimasin ang braso ng lalaki. “Akala ko po ikaw yung kakilala ko.”
            Hiyang-hiya at dali-daling lumayo si Janine. Bumalik sa dating puwesto. Natawa sa sarili, habang namumula.
            Kung ikukuwento niya ito kay Ivan, siguradong aalaskahin siya nito at pagtatawanan ng isang lingo. Naaalala niya ang mga pang-asar na tawa nito sa tuwing makakagawa ng mali.
            “Ibang klase ka talagang babae, Janine,” asar ni Ivan, “Babae ka nga ba?” Saka susundan ng kanyang malakas na halakhak.
            Hahampasin niya ng malakas ang braso ni Ivan. Ugali na niyang gawin ito kay Ivan. Ito ay ang paraan niya para gumanti sa pang-aasar nito, kaya sa bawat pagkikita nila ay siguradong may hampas itong matitikman.
            Pero napansin niyang medyo nag-iba ang pakikitungo ngayon ni Ivan sa kanya. Dati ay di niya matalo sa asaran si Ivan. Kay Ivan lagi ang huling halakhak. Ngunit simula nang nag-joke ito sa kanya kanina…
            “Ja, gusto na kita. I’m falling for you.”
            …di na si Ivan masyadong umimik. Kanina noong nakita niya si Ivan sa MRT station, ngiti lang ang naisagot nito sa birong pagrereto niya kay Tonette. Sa totoo lang, na-mimiss niya agad ang mga biro ni Ivan.
            Bukas, ikukuwento niya ang nangyari sa kanya ngayon. Aasarin ulit siya ni Ivan. Sana.

                   ____________________________________________________

            Napuno ng hiyawan ang buong coliseum. Nag-aasaran ang mga fan ng magkabilang panig. Ayaw magpatalo sa isa’t isa. Mas magaling ang kuponan nila, pagmamalaki ng isang panig. Matatalo kayo, kantyaw ng kabila.
            Nakaupo si Tonette sa bleachers na napapalibutan ng orange. Wala sa laro ang isip niya. “Dapat kasi ‘di ko na lang sinama si Janine dito.” Nagsisisi siya.
            Nagsimula na ang laro pero di pa rin mahanap ni Tonette si Janine. Nagkahiwalay sila. Sobrang excited si Tonette kaya nakalimutan niyang bago sa lugar na ito si Janine. Ngayon ay nag-aalala siya para sa kaibigan.
            Masayang kasama si Janine. Kwela siya at madaming kwento. Mabait din siyang anak at kapatid. Kahit di siya inoobliga ng mga magulang na magpadala ng pera sa probinsya, pinapadala pa rin ni Janine ang kalahati ng kanyang sweldo sa kanila. Madiskarte rin ito at medyo may kakapalan ang mukha. Minsan ay nasabi ni Tonette kay Janine na maswerte ang mapapangasawa nito.
            Nabanggit ang asawa, nagtataka rin siya kasi di pa nagkaka-boyfriend ang kaibigan. Tampulan tuloy siya ng tukso ng iba pa nilang boardmate. NBSB. Yun si Janine.
            May naikuwento na rin naman si Janine sa kanya tungkol sa mga crush niya. Pero hanggang crush at tagong kilig lang ang meron si Janine. Lately, nagkukuwento na rin si Janine tungkol sa isang lalaki na sa tingin ni Tonette ay gusto ni Janine. Araw-araw siyang umuuwi sa boarding house na hinihila ni Janine sa gilid at saka buong kilig na ikukuwento ang feelings niya sa lalaking ito.
            Di niya kilala ang lalaki. Katrabaho raw ito ni Janine. Siguro ang lalaking ito ay yung pinakilala sa kanya kanina sa MRT station. Si Ivan.
            In fairness, may itsura ang Ivan na iyon. Matangkad, Maputi, makapal ang kilay, pero matangos ang ilong, matipuno ang pangangatawan at may katangi-tanging nunal sa ilong. Naisip nga ni Tonette na sana ay mali ang hula niya. Sana di si Ivan iyong lalaking kinakikiligan ni Janine. Napangiti si Tonette sa naisip.
            Pag-uwi niya sa bahay. Sana naroon na si Janine. Sana naka-uwi na siya ng maayos para matanong niya pa kung sino ang lalaking pinag-iinteresan ng kaibigan. Sana maitanong niya pa ang mga gusto niyang malaman tungkol kay Ivan.

ITUTULOY...

Sunday, February 19, 2012

BIRO: ANG UMPISA



       “Mukha ba akong nagbibiro?” biglang tanong ni Ivan sa dalawang matalik na kaibigan.
       “Ha?” gulat at nagtatakang sabi nila John at Billy. Nag-uusap sila ng tungkol sa isinampang impeachment laban sa kasalukuyang Chief Justice nang biglang magtanong si Ivan. Napansin ng dalawa na kanina pang tulala ang kaibigan simula pa noong umuwi sila galing sa trabaho. Tahimik ito at mukhang malalim ang iniisip. Tango at iling lamang ang sagot nito. Ngayon na lang ulit ito nagsaslita. Nakatitig si Ivan sa mga kaibigan, nag-aantay ng sagot.
      Mula pa noong kolehiyo, kilala na nila si Ivan. Palatawa siyang tao at madalas nagpapasimula ng mga biruan at tawanan. Bihira siya magkuwento ng mga problema o ng kahit anong seryosong bagay. Nakakapagtaka na magtanong ng ganito ang kaibigan.
      “Biro? San?” tanong ni Billy, kunot-noo.
     “Sa mga sinasabi ko,” sagot ni Ivan. Lalong naguluhan ang dalawa sa sagot ni Ivan. Siya ang tinatawag nilang “Joker” ng grupo, easy-go-lucky na katropa.
     Nagtinginan sina John at Billy. Nagkibit-balikat si John. Sabay na tumingin sila sa mukhang problemadong kaibigan.
     “Di ka namin maintindihan, Van,” sabi ni Billy.
     “Ano bang nangyayari sa’yo?” dugtong ni John.
     “Wala naman,” pigil na sagot ni Ivan, “Naisip ko lang na itanong kung mukha ba akong nagbibiro lagi.”
     “Ano ‘to? Joke?” biro ni Billy.
     “Tol, seryoso ako,” giit ni Ivan. Lalong nagtaka ang dalawa niyang kaibigan.
     “Wow! Si Ivan Bermoso Cuenco, nagseryoso! End of the world na ba?” pang-aasar lalo ni Billy. Nagpigil ng tawa si John. Hindi nila masabi ngunit di sila sanay na ganito ang kanilang kaibigan.
     “Hay naku naman! Hindi ninyo naman ako siniseryoso. Siguro nga ay nakatatak na sa mukha ko ang mga salitang, ‘nagbibiro ako!’,” sabay alis ni Ivan, bitbit ang bag na pitaka at cellphone lang ang laman.
     Natameme ang mga naiwang kaibigan. Nahaluan na ng pag-aalala ang pagtataka nila.


     Siksikan sa MRT. Nakikipagsisikan si Ivan sa makapal na tao. Nagmadali siyang umalis sa foodcourt at iniwan ang dalawa niyang kaibigan. Sinalubong niya tuloy ang iniiwasang rush hour.
     Masama pa rin ang loob niya sa dalawang kaibigan. Akala niya ay sila ang mga seseryoso sa kanya. Hindi rin pala nila siya naiintindihan. Mamasa-masa na ang mata niya sa pag-pigil niya ng luha. Ilang sandali na lang ay siguradong tutulo na ang mga ito.
     Nang biglang, ilang metro lang ang layo, nakita niya si Janine. Lalong gusto niyang maiyak. “Bakit ngayon pa?” bulong niya sa sarili.
     “Ivan!”
     Papansinin niya ba ang tawag na iyon? Pero si Janine iyon...
     “Ivan!”
     Tumingin siya kay Janine. Nagpumilit na ngumiti at simpleng pinunasan ang luha na parang nagpupunas lang ng pawis sa mukha. “Uy, Janine!”
     Lumapit si Janine sa kanya. Ayan na siya. Anong gagawin niya?
     Agad hinampas ni Janine sa braso si Ivan. Napa-aray at sabay napahawak si Ivan sa mukhang mamamagang braso.
     May hila-hila si Janine. Isang babae. Kulot, maputi at pang-model na katawan. Pero mas maganda parin para kay Ivan si Janine. Bilugan ang mukha, cute ngumiti, chinita.
     “Ivan, si Tonette. Tonette, si Ivan.”
     Kumaway si Ivan. “Di ba maganda siya?” reto ni Janine kay Ivan. Ngiti lang si Ivan. Di niya alam ang isasagot. “Alam mo, Tonette, mabait itong si Ivan. Walang oras na di ka tatawa pag kasama siya.”
     Sa tuwing ginagawa iyon ni Janine. Nakakaramdam ng inis si Ivan. Talagang di naniniwala si Janine sa mga sinabi niya. Naaalala niya pa ang tingin nito noong sinabi niya ang nararamdaman.
    “Ja, gusto na kita. I’m falling for you.” Seryoso ang kanyang mukha. Alam niyang walang biro ang sinabi niya.
    “Di naman ako balon o kanal a! Nakakatawa ka talaga, Van.” Sabay iwas noon ni Janine, tawa nang tawa.
    “Ja,” si Tonette, “bilisan na natin. Maiiwan na tayo.”
    “Ay, oo nga pala. Van, bukas ulit. Kita tayo sa office.”
    Umalis na sila, pero nandoon ang mabigat na damdamin ni Ivan. Bukas. Sana bukas maniwala na siya.

                                                                                                                                             ITUTULOY...

Tuesday, February 14, 2012

QUEER


                WHILE THE DARK HAIR OF THE NIGHT COVERS THE SKY, I DREAMT I WAS BY THE SEA. I WAS PLAYING WITH THE SAND BESIDE THE VAST SALTY WATERS. I HAVE MADE SAND CASTLES BUT NEVER BUILT THE ONE I LIKE.
                AT THAT MOMENT, MY ATTENTION WAS DRAWN INTO THE PLAYFUL WAVES. I WALKED CLOSER TO THE WATER, BUT I FELT THE FEAR TO GET CLOSE. THE EXCITEMENT OF GETTING CAUGHT BY THE ROLLING WAVES LINGERED IN MY SENSES, BUT I HESITATED TO BE WET. I TRIED EVERYTHING TO AVOID EVERY SPLASH.
                I KEPT ON RUNNING AWAY FROM THE WAVES. IT WAS REALLY AFTER ME. I RAN. EYES ON MY BACK. UNTIL I REALIZED I WAS ON A MUCH HIGHER GROUND. THE WATER WAS THEN FAR, STILL ON SIGHT. I WAS WEARY OF RUNNING SO I STOPPED.  I WAS ON A SAD GRAY HILL. THE WATER HAVE CEASED ON CHASING ME. I GAVE A SIGH OF RELIEF.
                I WAS TERRIBLY WORN OUT FROM RUNNING. I RESTED AND CLOSED MY EYES. THE TIME I OPENED MY EYES, I WAS ON A CONIFEROUS FOREST—NOT ANYMORE ON THE GLOOMY HILL. I FELT THE LONELINESS. IT IS QUITE QUEER BUT I WAS SAD BECAUSE THE WATER HADN’T CAUGHT ME. REGRETS SPROUTED ON MY SOUL. THEREFORE, I WAS HORRIBLY HEARTBROKEN.
                THEN, I WOKE UP. I FELT WEIRD.

Just meet me out there


There’s a new song ringing—
A new melody in my mind.
It keeps on madly playing
“Out there,” it sings,
“Just meet me out there.”

Yesterday’s door is closing;
Just need to enter tomorrow.
I hear someone calling,
“Out there,” it knocks,
“Just meet me out there.”

Autumn leaves is on the ground,
Covering newly-sprouted plants.
Wind rushes, it can’t be bound.
“Out there,” it howls,
“Just meet me out there.”

I pout myself on the plane—
on two roads, on two boxes.
If the feeling is the same,
“Out there,” they tease,
“Meet me out there.”