“Bilis,
Ja.”
Mabilis si
Tonette nawala sa makapal na daloy ng tao sa entrance ng coliseum. Di na makita
ni Janine ang payat na katawan ng kaibigan. Tumingin siya sa kaliwa’t kanan.
Harap at likod. Wala na roon ang kaibigan.
Sumingit
siya sa mga nagsisiksikang lalaki sa harapan niya. “Excuse me po! Excuse.
Makikiraan.”
Hindi niya
na mahanap ang kaibigan. Hindi na rin siya makalabas ng coliseum. Nasarhan na
ng mga naglalakihang mama ang entrance.
Finals
ngayon ng season 36 ng PBA. Nayaya siya ng kanyang kaibigan at boardmate na si
Tonette na manood ng game 5 ng Powerade vs. Talk N’ Text. Super fan ng Talk N’
Text si Tonette at crush nito si Jimmy Alapag. Di man mahilig si Janine sa
basketball ay napapayag siya sa pakiusap ng kaibigan. Ngayon ay nawawala siya
sa kakaibang mundo sa loob ng coliseum.
Pumunta
siya sa gilid at idinikit ang likod sa isang haligi. Nagsisisi siya kung bakit pa
sumama. Kahit palakaibigan siyang tao, ayaw niya sa lugar na maraming tao.
Nagmamasid lang siya sa bawat fan at nakikiusyoso sa laro – pinapanuod ang
lahat ng nagdaraan sa harap niya.
May nakita
siyang isang lalaki na may dalang malaking gomang kamay na naka-number one.
Mayroon ding babae na bitin ang sky blue blouse, halos kita ang pusod. Natawa
si Janine. Di niya kayang magsuot ng ganoon.
Nakatawag
pansin niya ang isang matabang lalaki na naka-dilaw. Maingay ito at panay ang
tawa. “Confirm!” bulong ni Janine. Naalala niya dito ang katrabahong si Nikko . Tapos, may nakita
siyang lalaking nakatalikod. Mukhang kilala niya ito. Bakit nandito itong
taong ito?
Nilapitan
niya. Hinampas ng malakas sa braso. “Uy, Van!”
Humarap ang
lalaki. Nasaktan sa ginawa niya. Galit. Hindi siya si Ivan.
“Ay, sorry
po!” Hindi niya alam ang gagawin, kung
yuyuko ng napakababa o hihimasin ang braso ng lalaki. “Akala ko po ikaw yung
kakilala ko.”
Hiyang-hiya
at dali-daling lumayo si Janine. Bumalik sa dating puwesto. Natawa sa sarili,
habang namumula.
Kung
ikukuwento niya ito kay Ivan, siguradong aalaskahin siya nito at pagtatawanan
ng isang lingo. Naaalala niya ang mga pang-asar na tawa nito sa tuwing
makakagawa ng mali .
“Ibang
klase ka talagang babae, Janine,” asar ni Ivan, “Babae ka nga ba?” Saka
susundan ng kanyang malakas na halakhak.
Hahampasin
niya ng malakas ang braso ni Ivan. Ugali na niyang gawin ito kay Ivan. Ito ay
ang paraan niya para gumanti sa pang-aasar nito, kaya sa bawat pagkikita nila
ay siguradong may hampas itong matitikman.
Pero
napansin niyang medyo nag-iba ang pakikitungo ngayon ni Ivan sa kanya. Dati ay
di niya matalo sa asaran si Ivan. Kay Ivan lagi ang huling halakhak. Ngunit
simula nang nag-joke ito sa kanya kanina…
“Ja, gusto
na kita. I’m falling for you.”
…di na si
Ivan masyadong umimik. Kanina noong nakita niya si Ivan sa MRT station, ngiti
lang ang naisagot nito sa birong pagrereto niya kay Tonette. Sa totoo lang,
na-mimiss niya agad ang mga biro ni Ivan.
Bukas,
ikukuwento niya ang nangyari sa kanya ngayon. Aasarin ulit siya ni Ivan. Sana .
____________________________________________________
Napuno ng
hiyawan ang buong coliseum. Nag-aasaran ang mga fan ng magkabilang panig. Ayaw
magpatalo sa isa’t isa. Mas magaling ang kuponan nila, pagmamalaki ng isang
panig. Matatalo kayo, kantyaw ng kabila.
Nakaupo si
Tonette sa bleachers na napapalibutan ng orange. Wala sa laro ang isip niya.
“Dapat kasi ‘di ko na lang sinama si Janine dito.” Nagsisisi siya.
Nagsimula
na ang laro pero di pa rin mahanap ni Tonette si Janine. Nagkahiwalay sila.
Sobrang excited si Tonette kaya nakalimutan niyang bago sa lugar na ito si
Janine. Ngayon ay nag-aalala siya para sa kaibigan.
Masayang
kasama si Janine. Kwela siya at madaming kwento. Mabait din siyang anak at
kapatid. Kahit di siya inoobliga ng mga magulang na magpadala ng pera sa
probinsya, pinapadala pa rin ni Janine ang kalahati ng kanyang sweldo sa
kanila. Madiskarte rin ito at medyo may kakapalan ang mukha. Minsan ay nasabi
ni Tonette kay Janine na maswerte ang mapapangasawa nito.
Nabanggit
ang asawa, nagtataka rin siya kasi di pa nagkaka-boyfriend ang kaibigan.
Tampulan tuloy siya ng tukso ng iba pa nilang boardmate. NBSB. Yun si Janine.
May
naikuwento na rin naman si Janine sa kanya tungkol sa mga crush niya. Pero
hanggang crush at tagong kilig lang ang meron si Janine. Lately, nagkukuwento
na rin si Janine tungkol sa isang lalaki na sa tingin ni Tonette ay gusto ni
Janine. Araw-araw siyang umuuwi sa boarding house na hinihila ni Janine sa
gilid at saka buong kilig na ikukuwento ang feelings niya sa lalaking ito.
Di niya
kilala ang lalaki. Katrabaho raw ito ni Janine. Siguro ang lalaking ito ay yung
pinakilala sa kanya kanina sa MRT station. Si Ivan.
In
fairness, may itsura ang Ivan na iyon. Matangkad, Maputi, makapal ang kilay,
pero matangos ang ilong, matipuno ang pangangatawan at may katangi-tanging
nunal sa ilong. Naisip nga ni Tonette na sana ay
mali
ang hula niya. Sana
di si Ivan iyong lalaking kinakikiligan ni Janine. Napangiti si Tonette sa
naisip.
Pag-uwi
niya sa bahay. Sana
naroon na si Janine. Sana
naka-uwi na siya ng maayos para matanong niya pa kung sino ang lalaking
pinag-iinteresan ng kaibigan. Sana
maitanong niya pa ang mga gusto niyang malaman tungkol kay Ivan.
ITUTULOY...
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment