Thursday, March 21, 2013

New Career: Full-time Bestfriend

Sa sobrang interest ko in knowing more about myself, I've read books and answered some sets of questionnaire. I found out that my strength is the supportive character I have. Sabi doon sa isang material, I am loyal, supportive and friendly.  Good listener daw ako at very reliable. Sabi naman sa isang book, I tend to be very accepting, accommodating, conflict-"avoider", and a relationship-builder. According naman sa isa, I am a good talker and I communicate well (I don't generally believe in this statement). All, aside in the last statement, really talks about almost who I am. Kung isa-sumarize, pupuwedeng i-conclude na I am a good friend. (naks! pinagpala ang mga kaibigan ko dahil meron silang kaibigang tulad ko.. haha)
But hindi lang sa ganoon ako natapos sa pag-discover ko sa sarili ko. I want to test if those materials and books are not lying to me. Gusto ring masubukan kung tama ang perspective ko sa sarili ko. Hindi naman ako binigo ng pagkakataon. Nalapit ako sa mga tao, sa iba't ibang tao.
It's been a problem to me to initiate a connection between me and stranger pero once communication is established it is easier for me to build a memorable relationship with that new acquaintance. Ewan ko ba! Basta ganoon talaga ako. I am sociable but most the time a loner. I am an introvert, but I love building deeper relationship with others. I always want others to sense that they are a big part of my life and I always hope that they do the same. I can also mingle with different person. I like including them in my circle of friends, not allowing them to feel left behind or out of place. I always consider everyone to be really connected to each other like we are all holding on the same long rope. I give value to friendships and treat every friend significant. I always see to it that I do that. Kaya nga totally disappointed and frustrated ako noong may isa akong friend, na itinuring kong bestfriend and a very close brother, ang biglang hindi ako pansinin. 'Yung tipong na-amnesia siya na magkakilala kami. I really saddens me. Pero as the book had said, I'll still accept him just as how I accepted him before. Para sa akin bestfriend ko pa rin siya.
Faithful and loyal. Itanong nyo na lang siguro sa mga old friends ko if totoo iyon. Pero I keep to be loyal and faithful to every thing I'm in, kahit na sa kung ano mang relationship. Well, bakit nga ba naisusulat ko ang mga ito? Well, maybe because this is the strength that I am so much proud to have.
Lately, I have this officemates that became so dear to me. Alam ko rin namang naging friend na rin ang tingin nila sa akin. I became open to them and they eventually open up themselves to me. Nakatulong ang pagiging goosd listener ko. I listen and give them advice. I joke with them. Acted sarcastic, caring, brotherly, harsh and friendly. Ang sarap ng ganito. Not to mention pa ang mga freebies ng pagiging "bestfriend". (haha)
Now I can say that I have a new career. I am now, and I have been, a full-time bestfriend ng bayan.(haha)

Wednesday, March 20, 2013

'Yung Normal Lang (Part 3)

Ang ayaw ko sa babae ay ‘yung aggressive. Gusto ko ‘yung normal lang. ‘Yung tipong aantayin na ang lalaki ang gumawa ng move. Ang lalaki dapat kasi ang nanliligaw. Sa una ay ‘di dapat pinapahalata ng babae na may gusto rin s’ya sa lalaki. ‘Yun bang pakipot. Ewan ko ba. Basta ‘yun ang trip ko. Wala na lang basagan ng trip.
Pero sa panahon ngayon, iba na ang sinasabing “normal” na babae. Kabaligtaran siya ng gusto ko. Karamihan sa mga kakilala ko, e, mapupusok at agresibo. ‘Yung iba pa nga e sobrang malandi at sadyang makati. At napapansin ko rin na padami nang padami sa mga babae ngayon ang maaarte. Maarte kumilos, magsalita, maglakad, pumorma at mag-pa-cute sa mga lalaki. Eto namang mga lalaki e parang mga asong susunggab sa mga ganitong mga babae. Nakakainis isipin. Lalo akong naba-badtrip.
Isang linggo na ang lumipas simula noong kausapin kami ni boss. Isang linggo na rin na sinusubukan ni Niña na kausapin ako, pero lagi akong ilag sa kanya. Ayaw ko siyang kausap ni makasama sa iisang kwarto. Naaalibadbaran ako. Basta! Walang basagan trip.
Nung araw na dumating ang mga trainees, sinadya kong magpa-late. Bukod sa ayaw ko ng trabaho,e, ayaw ko rin sa katrabaho ko. Ilang beses ko rin kinausap ang boss namin noong nakaraang lingo na iba na lang ang i-assign niya sa trabahong iyon.
“Rico, tanong lang. Sino ba sa atin ang boss? Ikaw ba?” Sagot yan ni Sir noong huli kong lapit sa kanya. Kunot ang noo niya at may inis na sa tono ng kanyang pagsasalita.
“Pero, Sir, ‘di ko lang kasi talaga magagawa ang trabahong iyan. May iba pa namang mas magaling humawak ng tao kesa sa akin. Alam niyo namang ‘di ako magaling sa public relations,” medyo inis ko na ring sinagot si Sir. Bahala na. Sisante kung sisante.
“’Yun nga ang dahilan ko kung bakit ikaw ang nilagay ko sa trabahong iyan. I want you to improve your social skills. Sa isang taong pagtratrabaho mo rito sa project na ito, sa company na ito, nakita naming super-efficient ka, maliban na lang sa isang bagay. At iyon ang pakikitungo mo sa mga katrabaho mo. Mabait ka namang tao pero ewan ko ba kung bakit anti-social ka. Isipin mo na lang na isang hakbang ito para sa promotion mo,” ‘yan ang mahabang paliwanag ni Sir.
Uy! Promotion daw. Kabisado na ng boss namin ang mga sasabihin para tumigil nang mangulit ang mga reklamador na tulad ko. “Pero bakit kailangan pang si Niña ang kasama ko?” hirit ko pa.
“Well,” balik nanaman si Sir sa pagiging cool niya, “siya ang nakita kong makakatulong sa’yo to break that barrier of yours. Magaling siyang humawak ng mga tao at makisama sa kahit na kanino. I know you will learn a lot from her.” Lusot nanaman si Sir. Ang galing talaga maghanap ng mga rason ang mga boss. Kaya nga siguro boss sila. Anak ng tokwang pinaputukan talaga!
Pagkatapos noon, hindi na ako nagtanong o nangulit pa. Pero hindi ibig saihin nun na gusto ko na ang trabahong ibinigay sa akin. Itinigil ko nang mangulit kasi baka mapuno sa akin si Sir at kinabukasan ay kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho. Hirap pa naman ngayong maghanap ng trabahong may maayos na sweldo at magandang workplace.
Nang dumating ang mga trainees, saktong on-leave si Sir. Kung sinuswetre nga naman ‘di ba? So pinabayaan kong si Niña na lang ang mag-asikaso sa kanila. Tutal naman ay nakaya niyang wala ako nung simula, kaya na niya iyon sa buong araw. Pero bago pa man ako mag-out, bigla akong hinarang ni Niña sa may CR.
“Rico, puwede bang mag-usap tayo kahit sandali?” seryoso ang tono niya. Pabaling-baling sa baba ang kanyang paningin at hindi sa akin makatingin ng diretso. Tiningnan ko siya. ‘Yung titig na may kunot –noo at nakataas ang kaliwang kilay.
“Kasi, Rico, alam ko na ilang ka sa akin—na iniiwasan mo ako—” tuloy ni Niña. Ay! Nahalata mo pala. Buti naman at alam mo yun, sagot ko sa isip ko.
“Sahree (Sorry) if I’ve made things uncomfortable for you. Mahirap kasing mag-work nang ganito. Hindi naman ako ang may gusto nito. If I’ll be able to choose, I won’t also accept you as may partner. Hirap din kaya. Pero nandito na ito e, so I hope we can do this professionally. Can we?” Mamasa-masa ang mata ni Niña nung matapos siyang magsalita. Hindi na ako sumagot. Napatahimik ako. May iba sa kaharap kong Niña. Tiningnan ko lang siya, pero sa pagkakataong iyon nakababa na ang kilay ko, wala nang kunot sa noo ko at seryoso na akong nakikinig sa kanya.
Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa ng kanyang jacket at sabay tumalikod sa akin. Nagpunas siya ng kanyang luha at saka humarap ulit sa akin. “Can we be professional partners kahit ngayon lang hanggang sa matapos ang trabahong ito?” iniaabot niya ang kanyang kamay sa akin para makipagkamay. ‘Di ko alam kung anong nangyari pero dahan-dahan ko namang inabot ang kamay niya. Ngumiti siya sabay binitawan ang kamay ko.
“Sige, tomorrow na lang ulit. Aasahan kita, Rico,” nakangiting sabi ni Niña bago siya tumalikod at lumayo sa akin. Anak ng buteteng prinito! Nagayuma ba ako? Kasi sinundan ko ng tingin si Niña hanggang sa maka-alis na siya. Tsk!


itutuloy...

*disclaimer: ang kwentong ito ay likha lamang ng imahinasyon at maging ang mga karakter ng kwento ay pawang gawa-gawa lamang. Kung mayroon mang tauhan o pangyayari sa kwento na katulad ng mga tunay na tao o pangyayari, ito lamang ay buhat ng pagkakataon. Walang layunin ang may akda na manira o manakit ng kung sino o anuman.
*ang larawan ay nakuha sa http://www.propertymasteryguru.com/office-singapore/

basahin rin ang Part 123, 4, at 5

Monday, March 11, 2013

'Yung Normal Lang (Part 2)

Nagsimula ang lahat noong sumama ako sa gimikan mga isang taon na rin ang nakakalipas. Hindi ako pala-sama sa mga ganoon pero dahil sa makukulit ang mga katrabaho ko napasama na rin ako. Welcome party raw iyon sa isa naming bagong katrabaho. Sa totoo lang e, hindi ko na matandaan kung sino iyon. Hindi ko na nga rin matandaan kung sinu-sino ang mga sumama. Wala rin naman kasi akong ka-close sa mga katrabaho ko. Most of the time, I keep everything to myself. Anti-social… ng konti, ahm, o sige na nga, anti-social talaga ako. Ewan ko ba kung bakit ako sumama noon. Pinagsisihan ko tuloy na sumama ako.
Unang beses ko makapasok sa bar. Unang beses ko rin umubos ng isang bote ng beer. Maingay doon. Mausok din. ‘Yung tipong hindi ko na ulit babalikan. At hinding hindi na talaga ako babalik sa ganoong lugar.
“So, people, let’s play a game,” yaya ng bading kong katrabaho na si Nikko. Maingay siya. Siya nga yata ang pinakamaingay na katrabaho ko, mapa-sa-loob ng opisina o sa labas man.
Agad nagsidumugan ang mga kasama namin at hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makatakas. Truth or dare. Klasik na laro ng mga walang magawa. Larong ikakatuwa ng mga tsismoso at sadista. Pero ang nilaro naming ay may konting twist daw. Truth or truth. Nice options, di ba? Walang ibang choice. Saya!
Pina-ikot ni Nikko ang walang laman na bote ng beer. Huminto ito at tumuro sa harap ng isang babae. Niña ang pangalan. Isa siya sa mga sosy girls sa office. Super conyo at OA maka-pasosyal. Mga lima silang ganito sa office. At siyempre, complete attendance sila sa mga ganitong okasyon.
“Oh-Em-Gee! Seriously?” pasosyal na sabi ni Niña. Ang sarap buhusan ng kumukulong beer.
“Okay, okay! Ako ang magtatanong,” singgit ni Ivan, ang alaskador naming katrabaho. Siya ang tipikal na joker ng grupo na kalian man ay hindi mo seseryosohin. “Sino sa mga lalaki sa office ang crush mo?”
“’Yun ‘yun o! Nice!” sulsol ni Billy, isa ko pang katrabaho at kakambal ni Ivan sa kalokohan.
Pagkatapos ng tanong ay para bang biglang tumahimik at napansin kong nagpa-cute ang ilang mga lalaking kasama namin. Nagbaka sakaling kanila ang banggitin na pangalan.
“Just, wow!” simula ng sagot ni Niña. “That’s kinda mahirap na tanong. Puwede bang ‘wag ng crush, ‘yung attractive na lang sa eyes ko,” pakiusap niya. Hindi ko lang mawari kong paano maitutuwid ang dila ng babaeng ito.
“Uyyy!” kantsaw ng iba naming kasama. Sa buong pagkakataon ay parang nanonood lang ako ng walang kwentang sitcom.
“Ahm. I think,” tuloy pa ni Niña, “I find Rico attractive.”
Whoa! Anak ng bakang giniling! Ano ‘to lokohan? Bakit naman nadamay ang pangalan ko sa sitcom na ito?
Umulan ng uyyy at ayeee. Mga ilang siko at tapik mula sa mga katabi ko ang aking natanggap. Kumunot ang mukha ko. Di ko man nakikita ang mukha ko sa pagkakataon iyon, alam kong masama ang timpla nito. Bakit ako? Anak naman ng kambing na ililitson mamaya, o!
“Bakit naman si Rico?” tanong ng isa pang babaeng katrabaho ko.
“Ah, well. He’s kinda cute and I like mysterious guys like him,” sagot naman ng Niña.
Lalong lumakas ang ulan ng uyy at ayeee. Dumami rin ang siko at tapik. Ako naman ay lalong tumahimik.
Itinuloy nila ang kanilang laro. Para maka-iwas ng tuluyan. Pumunta ako ng banyo at pagkatapos ay umuwi nang di na nagpaalam sa kanila.


itutuloy...

*disclaimer: ang kwentong ito ay likha lamang ng imahinasyon at maging ang mga karakter ng kwento ay pawang gawa-gawa lamang. Kung mayroon mang tauhan o pangyayari sa kwento na katulad ng mga tunay na tao o pangyayari, ito lamang ay buhat ng pagkakataon. Walang layunin ang may akda na manira o manakit ng kung sino o anuman.
*ang larawan ay nakuha sa http://www.freewebs.com/trevorshome/apps/photos

basahin rin ang Part 1, 2, 3, 4, at 5