Marami nga daw ang nagiging tanga
pagdating sa pag-ibig. Kahit mayroon kang I.Q. na 100, di ka papalagpasin.
Mararanasan mong magpakatanga sa pag-ibig… parang ako.
Ako si Jasmin. Galing ako sa may kayang
pamilya. Noong limang taong gulang pa lamang ako, namatay na ang aking Papa.
Dalawang taon pagkatapos noon nag-asawa muli ang aking Mama ng isang
negosyanteng Tsinoy. Nagkaroon ako ng magandang buhay. Nagtapos ng Cum laude sa
isang kilalang private school. Nakilala rin ako bilang campus crush noong high
school at college. Hindi raw maikakaila ang aking talino’t ganda. Pero isa pa
rin ako sa libo-libong nagpakatanga sa pag-ibig.
____________________________________________________________
Unang araw ko sa trabaho. Kinakabahan ako
noon sa pagpasok sa building ng kumpanyang papasukan ko. Una kong trabaho kaya
kabado pa ako. Ang Step-dad ko ang nag-refer sa akin sa may-ari. Tsinoy rin
kasi ang may-ari ng kumpanya.
Pagdating ko sa 3rd floor ng
building, nagtinginan ang mga tao sa akin. Lalo akong na-conscious. Lumapit ako
sa lalaking naka-short-sleeve barong at nagtanong kung nasaan ang opisina ng
HR. Itinuro ng lalaki ang opisinang nasa kaliwa at bukas nang bahagya ang
pinto.
Habang naglalakad ako papunta sa opisina,
napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Yumuko ako, naghalo ang kaba,
takot at hiya.
Nang… Bogg!!!
Nagkalat ang mga papel sa lapag. Kamuntik
na akong matumba kung hindi lang dahil sa maagap niyang paghila sa aking kamay.
“Miss, sorry!” Binitawan niya ang kamay ko
at agad dinampot ang mga nagkalat na papeles. “Sorry talaga. Nagmamadali kasi
ako…”
Di ko siya tinitingnan dala ng hiya.
Tinulungan ko siyang kunin ‘yung mga papel. “Ah wala yun. Ako nga itong dapat
mag-sorry.”
Iniabot ko sa kanya ang tatlong papel na
nakuha ko. Tiningnan ko siya. At sa pag-tingin ko sa kanya ay para bang tumigil
ang mundo ko. Maputi siya. Chinito. Malalim ang mga dimples sa magkabilang
pisngi. Matangos ang ilong. Elegante. In short, gwapo.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman
kong nag-init ang aking tenga at namula ang aking mukha.
Tumayo siya. Mas matangkad siya. Inilagay
ang mga nahulog na papel sa folder at inipit sa kanyang braso. “Salamat at
sorry ulit.” Ngumiti siya. Ang cute ng ngiti niya. Nakakalusaw. Dali-dali
siyang umalis.
Di man lang kami nagkakilala. Dalawang
minuto rin yata akong nakatayo sa pasilyo. Hinahawakan malapit sa dibdib ang
kamay na nahawakan niya. Iniisip ang mukhang nagpatibok nang ganoon sa aking
puso.
______________________________________________________________
Kevin Uy. Advertising Manager. Siya iyong
nabangga ko noong unang araw ko sa trabaho. Naka isang linggo palang ako pero
marami na akong nalaman tungkol sa kanya. Ang tinapos niya, alma mater niya,
address niya, at pati ang schedule ng kanyang pagpasok sa trabaho.
Pasalamat ako sa mga naging kaibigan ko sa
opisina: si Nikko
at Janine.
“Ang dami kayang nagkaka-crush kay Sir
Kevin. Crush ko nga rin siya, e," sabi ni Janine noong minsan nagtanong ako
tungkol kay Sir Kevin.
“Hanggang crush lang kayo. Pamangkin kaya
siya ng may-ari ng kumpanyang ‘to. Di nyo reach,” banat ni Nikko .
“Teka!” Ibinaling ulit ni Janine ang atensyon
sa akin. “Bakit ba ang dami mong tanong tungkol sa kanya? Siguro crush mo din
siya ‘no?”
Tumawa si Nikko . “Ha! Crush? Hay naku! Bading kaya
iyon. Di kayo talo, girl. Wag na umasa.”
“Bading? Mukhang di naman,” pagtatanggol
ko kay Sir Kevin. “At saka wala namang masama kung humahanga lang.” Alam kong
namula ang mukha ko habang nagsasalita.
“Pa’no mo naman nasabing bading siya?”
tanong ni Janine kay Nikko .
“Nag-aalarm kaya ang bakla-o-meter ko
every time na nandiyan siya. I can sense it. Ka-federasyon siya,” sagot ni Nikko .
“Sabagay, kilala ng magnanakaw
ang kapwa niyang magnanakaw,” biro ni Janine.
“Che!”
Nagtawanan kami noon. Pero sa isip ko
pilit kong ipinagtatanggol si Sir Kevin. Hindi siya bading. Malinis lang
siyang tingnan. Medyo malambot gumalaw, pero ‘di siya bakla.
ITUTULOY...
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment