Araw na ng graduation namin ni Nikko. Tahimik pa rin siya at
madalas gusto mapag-isa. Simula nang umuwi siya galing kila Jane,
isang linggo na ang nakakalipas, umiwas na siya sa tao. Nalaman ko na
rin ang buong kwento, ang mga pangyayari noong pumunta siya kila
Jane. Napilit ko si Nikko na ikuwento.
Pumunta si Nikko roon para ibalik ang mga notes ni Jane na
hiniram niya para sa Final exams nila. Kukunin din niya ang ilang
notes na naiwan niya roon noong huli silang nag-group study sa bahay
nila Jane. Noong pagpasok ni Nikko sa bahay, normal pa naman daw ang
mga pangyayari. Pinapasok siya at inasikaso ni Jane. Binigyan siya
muna ng juice at saka pumasok ng loob ng kwarto si Jane para kunin
ang mga naiwan niyang mga papel.
Habang wala pa si Jane, umupo ang nanay ni Jane sa harap ni
Nikko at saka nagtanong, “Isang direktang tanong, nanliligaw ka ba
sa anak ko?”
Nagulat daw si Nikko sa tanong ng nanay ni Jane. “Ah, ano po
kasi...”
“Tatapatin kita. Ayaw kita para sa anak ko. Kaya tigilan mo na
ang panliligaw sa kanya.”
Nanlamig daw ang kamay at mukha ni Nikko nang marinig ang mga
ito mula sa nanay ni Jane. Isang diretsong pananalita. Dito kilala
ang nanay ni Jane. Maraming may ayaw sa kanya dahil sa pagka-prangka
niya.
“Pero, Ma'am, malinis po ang intensyon ko sa anak nyo.”
“Ayaw kong magka-manugang na bading o kahit mukhang bading. Di
ka bagay sa anak ko.” Iyon ang masamang nasabi ng nanay ni Jane kay
Nikko. Tumahimik na si Nikko. Lumabas na sa kwarto si Jane at iniabot
ang mga notes. Umalis na agad si Nikko. Hindi na siya makatingin sa
nanay ni Jane kahit na kay Jane.
Siyempre bilang isang kaibigan, noong nalaman ko ito, binalak
kong sugurin ang aleng iyon na may matalas na dila, pero pinigilan ako
ni Nikko. Wag ko na raw palakihin ang issue. Hayaan ko na lang daw.
Nang graduation na namin, umiiwas na si Nikko sa lahat ng mga bagay na magpapaalala sa kanya kay Jane. Hindi siya lumilingon sa dako kung saan nakaupo si Jane. Kahit na sa dako ring iyon ay naroon ako. May pagpipigil sa mukha ni Nikko. Sa tingin ko nga ay nararamdaman ko na ang sakit sa kalooban noon ng aking kaibigan.
Simula na noon, hindi na nanligaw si Nikko. Hindi na rin siya nag-kukuwento ng tungkol sa kanyang mga crush. Sa tingin ko nga ay hindi na siya nagkakacrush. Hindi na rin muling nabanggit ni Nikko ang mga bagay na iyon. Naging malamig na rin siya patunggo sa pag-ibig.

Isang buwan pa ang nakalipas, lalo pang naging mukhang bading si
Nikko. Pumasok siya sa isang kumpanya at doon ang tingin sa kanya ay
isa siyang bading. Minsan nga ay natanong ko siya kung bakit
nagpapakabading siya.
“Hinahayaan ko na sila makita kung ano ang gusto nilang
makita. Nakakapagod naman kasi magpaliwanag ng paulit-ulit.”
_________________________________________________________________
Ako lamang ang nakakaalam ng sekretong ito. Naniniwala akong
lalaki pa rin si Nikko. Nadala lang siya sa sistema ng pag-ibig.
Napagod. Inalipusta ng mga isip ng lahat ng nakakakita.
1 comment:
Musta na kaya ang puso ng bakla aw lalaking yan!?
malay natin nagbago na ang pananaw nya sa pag-ibig.
Post a Comment