Friday, April 26, 2013

Music Inspired

I love words... I love reading... I love writing... I love telling stories... and I also love music.

Music is telling stories in a different manner. You hum, or clash, or bump, or ring. It's all because you are telling something--you are telling a story. Sometimes words aren't enough to give emphasis in what you say; and that's where music come into picture.

There is music in everything, everyone, everywhere around us. We just have to listen to know their stories. We make our own music, just as we create our own story. Your music maybe out of tune to the ears of most listeners, still you produce your own music. That's all that matters.

...

Halos dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang unang marinig ng madla ang mga awiting nakapasok sa Finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs. Aaminin ko, ako rin ay naadik sa mga kantang kasama sa patimpalak na ito. Sa katunayan ay kabisado ko na ang labing dalawang awiting iyon. (Ikaw ba namang paulit-ulit pagtugtugin sa playlist, umaga-hapon-gabi, ang mga awiting iyon) Laking pasasalamat ko sa mga bumuo ng contest na iyon, sa mga sumaling kompositor at maging sa mga mang-aawit na nagbigay-buhay sa mga kanta.
Mahal ko ang OPM. Maipagmamalaki nating mga Pilipino ang sariling anyo ng ating musika. Isa pa karakter ng ating musika na pinakagusto ko ay ang ugali nitong magkwento at ipahayag ang mga nararanasan ng puso at isip.
Bilang isang manunulat (Naks!), malaki rin ang impluwensya sa akin ng mga OPM hits mula noon at ngayon. At bilang patunay, Gumawa ako ng mga maiikling serye (kabilang iyon sa romance series ko) na base sa mga  naisapuso ko sa mga narinig kong kanta sa Himig Handog P-Pop Love Songs. Maaaring hindi na orihinal ang mga kwentong ilalahad ko, ngunit maisisigurado kong lahat ng mga maiiikling serye na kaugnay sa maliit na proyekto kong ito ay galing sa puso.

Mabuhay ang sining ng Pilipinas! Mabuhay ang OPM!

No comments: