Monday, September 01, 2008

Don't Play with Love

I really love to relax. Minsan makikita mo na lang ako na nakahiga o di kaya ay nakaupo sa isang tabi.... nakikinig lang ng kapaligiran. Lagi nga ako napagkakamalang tamad dahil sa hilig kong ito. But, hindi iyon ang topic ko ngayon.(tawa) Nais kong ipahayag sa inyo ang saloobin ko tungkol sa bumagabag sa akin habang minsa'y nagpapahinga ako.

Masarap makinig sa radyo. Lalo na kung maririnig mo ang paborito mong tugtog. Pero ng panahong iyon nabagabag ako ng marinig ko ang dj na magsabi na "Loving is just like playing". Noong una, I didn't paid much attention to it, but the words rung a bell in my cerebrum. May mali sa sinabi ng dj. Alam kong may mali.

Tunay nga bang "Loving is just like playing"? Playing? Talaga? Correct me if I am wrong. Playing is parallel to fooling around. I thought love is a serious thing. Playing is not loving, and loving is not playing. Alam ko parang wala nang sense ang sinasabi ko pero it is alarming that most people didn't take love as a serious thing. Laro lang sa kanila ang pagmamahal.

Ganun iyon e. Laro lang sa kanila ang pagmamahal kaya madali lang sa kanila paglaruan ang iba. Madali lang sa kanila ang mang-iwan na parang walang nangyari. Madali sa kanila kumuha ng girlfriend o boyfriend o asawa. Ang masama pa doon e, ipinagmamalaki pa nilang player sila... as in pinaglalaruan nila ang iba. They boast the number of their boyfriend/girlfriend/wives/husband. They proudly laugh about people they have hurt because of their fooling around. Uso na nga ang buwan buwan iba ang karelasyon mo. tsk tsk tsk. Malala!

Honestly, I haven't experience having a partner but I still know how to hurt and be hurt. I know their feelings. Masakit. Sobra. Tao naman sila. Hindi laruan na pagkatapos paglaruan ng bata e iiwan nalang nila sa tabi. Desolated. Abandoned. Wrecked. Wala tayong karapatan na paglaruan ang pagmamahal ng iba.

So balik tayo. Love is not a thing to be fooled around. If you love, love seriously. Consider na tao iyan- may ulo, paa, kamay, utak, puso at pagkatao. Tulad mo rin sila. Don't ever enter the parameters of love if hindi ka rin seryoso- lalo kung hindi mo naman talaga mahal ang tao iyon. Loving is not fooling around. When you enter it, in your hands are life and death. Nakasalalay sa'yo ang future ng nakapaligid sa iyo maging ng buhay mo.

No comments: