Habang ako ay nakasakay sa jeep,
nahinto ang sinasakyan namin sa isang intersection. May biglang
sumakay na batang babae, about 4 to 5 years old, na may cleft palate.
Nakasuot siya ng gold dress na parehas sa mga isinusuot sa mga
rebulto ni Sto. Niño.
Kasunod
niya ang isang balbon na lalake na nasa middle 30's na. Nakasuot ito
ng kupas na T-shirt, tatttered shorts, ordinaryong slippers, straw
hat at belt bag. Kung titignan ang lalake, kayang kaya naman nito ang
magtrabaho, kahit sa construction, repair shop or even as kargador.
Maayos naman ang kanyang pangangatawan at halatang malakas pa naman.
Sa
totoo lang, nagambala na ng presensya ng dalawa ang tahimik kong
isipan. Kadalasan kasi ay nag-zo-zone out ako o di kaya'y kusa kong
binablangko ang utak ko sa biyahe. Sa pagkakataong ito, parang may
bombang sumabog sa utak ko at nagkagulo ang lahat ng neurons sa brain
ko.
Habang
namimigay ng mga putting short envelop ang lalaki, pumunta sa bandang
unahan ang bata. Huminto ang bata sa harap ko (nasa likod lang ako ng
driver nakaupo), tumingin sa akin, sumandal at inilahad ang maliit na
kamay sa akin. Umiling ako. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay
pinag-iisipan ko pa kung tama ba ang naging response ko sa bata.
Lumipat ang bata sa katabi kong kabataang babae. Agad naman dumukot
ng barya ito sa kanyang coin purse.
Ang
dating simpleng gulo ng mga neurons sa utak ko ay naging gera na.
Imbes kasi na awa ang naramdaman ko (katulad ng ibang pasahero ng
jeep), inis ang aking naramdaman. Nainis ako, hindi sa bata, kundi sa
nakita ko. Nag-ingay ng husto ang isipan ko.
Natapos
nang ipamigay ng lalaki ang mga envelop na dala niya (buti na lang
kamo at hindi na ako nabigyan) at sinamahan na niya ang bata sa
harapan. Ipinuwesto niya ang bata sa kanyang harapan habang siya ay
naka-squat. Tipong puon ang bata at ang lalaki ang propeta at taga-pag-alaga ng puon na nagsasabing, “Tayo po'y magbigay sa mahal
na Sto. Niño”. Ang mga
pasahero naman, dala ng awa, ay dudukot sa mga pitaka at coin purse
at magbibigay sa “puon”. Ganoon ang eksena.
Sa
mga oras na iyon ay gusto ko nang sumigaw. Gusto kong sabihin ang
lahat ng nasa isip ko. Gusto kong tanungin ang lalake. Gusto kong
usisain kung anak nya ba ang bata... kung bakit siya namamalimos...
kung bakit hindi na lang siya maghanap ng trabaho kesa mag-abang ng
jeep sa buong araw para may paglilimusan... kung bakit kailangan
niya pang gamitin ang bata...
Tayo,
bilang nakatatanda, ay tinitignan at ginagaya ng mga bata. Sa murang
isipan nila, ang lahat ng nakikita nila ay magiging pamantayan nila
hanggang sa sila ay maging uugod-ugod na. Sa totoo lang, sinira na ng
lalaki ang kinabukasan ng bata. Imbes na ipakita at turuan niya ang
bata ng tamang gawi, ipinakita niya sa bata na ang paglilimos lang
ang tanging paraan para sila mabuhay. Isipin na lang natin kung lahat
ng magulang o nakatatanda ay ganito ang itinuturo sa mga bata.
Magiging batugan at palaasa ang susunod na henerasyon. Ganito ba ang
gusto nating mangyari? Magisnan ng mga bata ang pagiging “parasite”
(pala-asa sana ang gagamitin kong salita pero mas mabibigyan ko ng
diin ang sinasabi ko kung gagamitin ko ito)?
Naglagay
ng mga pera ang mga pasahero sa sobre ng lalake. Kinuha niya ang mga
ito at bumaba na ng jeep. Kalong-kalong niya ang bata. Bago pa man
sila makababa ng jeep, isang tanong ang nabuo uli sa aking isipan...
Ganito niya ba mamahalin ang bata?
Sa
buong eksena, naka-tikom ang bibig ko. Hindi kong nagawang
ibuka ang mga labi ko. Hindi ako nakapagtanong o nakalabas ng kahit
anumang nasa sa loob ko. Wala ako sa posisyon para maghusga. Kung
meron man akong reklamo sa aking nakita, wala naman akong magagawa ni
maitutulong sa lalake at lalo na sa bata. Itinikom ko lang ang bibig
ko. Hindi pa rin matapos ang pagtatalo ng isipan ko, magpahanggang
ngayon.
No comments:
Post a Comment