“Ang tindi
ng araw na ‘to! Nagutom tuloy ako,” sunggab ni Billy sa burger.
Kalalagay
palang ni John ang tray ng burger at fries sa kanilang mesa, ngunit sing-bilis
ng pusang-gala si Billy sa pagkuha ng pagkain. Halatang gutom si Billy. Matapos
nilang malaman ang pagkabigong maabutan ni Janine si Ivan, halos isa’t
kalahating kilometro rin yata ang nalakad nila na walang direksyon o maayos na
patutunguhan. Nang maramdaman na nila ang pagod, agad ng nagyaya si Billy na
kumain sa malapit na fastfood chain.
“Parang
pelikula lang ang araw na ito,” pagpapatuloy ni Billy na magsalita, salitan ang
pagnguya at pagsasalita, “May umalis na kaibigan, mga nagkarambolang sasakyan,
nagkahiwalay na nagmamahalan, magulong riot ng mga nagra-rally at mga pulis,
mahabang trapik at mala-impiyernong init.” Lumunok si Billy at saka uminom ng softdrinks. Nakatitig lang si John sa kaibigan,
patuloy na iniisip ang mga nangyari ngayong araw. “Hanep, Dude!” huling nasabi
ni Billy.
__________________________________________________________________________
Huling
linggo na nila John sa college. Ilang araw na lamang ay magtatapos na sila.
Nagbalik muli si John sa pagplaplano na sabihin kay Mae a.k.a. Ms. Purple ang
kanyang nararamdaman. Sa nagdaang dalawang taon, pinilit ni John na maging
bagay siya para kay Ms. Purple.
Noong dati,
pabaya si John sa pag-aaral. Ayos na sa kanya ang pumasa. Kalagian pa ngang
hindi siya pumapasok sa ilang mga subjects niya. Kung hindi rin dahil kay Ivan,
walang maipapasang projects o di kaya assignments si John.
Ngunit
nag-iba ang pananaw niya para lang kay Ms. Purple. Matalino naman talaga si
John.Tinamad lamang siya at nawalan ng rason at direksyon. Nag-aral siya ng
mabuti at sa dalawang taon na iyon ay nakabawi siya sa mga grado niya. Laking
gulat nila Ivan at sampu ng kanyang mga propesor sa malaking pagbabago ni John.
Sayang na nga lang at hindi inayos ni John ang kanyang mga grado simula pa
noong unang taon niya, kundi magtatapos sana siya ng cum laude.
Isa pa sa
mga malaking pagbabago ni John ay ang pag-iwan niya sa kanyang mga bisyo.
Dati-rati ay siya ang nag-yayaya na mag-inuman sila nila Billy at Ivan. Halos
linggu-linggo nga siya noonna lasing o di kaya may hang-over na papasok sa
eskuwelahan. Ngayon ay bihira namakita ni Ivan na umiinom si John. Hindi na rin
siya ang dating takaw-inom-hanggang-malasing.
Nahirapan
man siya pero naalis niya rin ang pagsisisgarilyo niya. Grade six pa lang siya
ay marunong na siyang manigarilyo at pagtungtong niya ng kolehiyo ay lumala pa
ang bisyo niyang ito. Ngayon, ayaw na niyang magsindi kahit ng isang stick ng
sigarilyo. Ang ibang barkada ni John ay namangha sa pagbabagong ito.
Naging
mabait na rin si John sa mga bata at maginoo sa mga babae. Sumali siya sa
Lingkod Kapwa, isang organisasyon na nagngunguna sa mga charity works at
pagtatanggol sa mga naaapi. Di man makapaniwala ang mga magulang at mga kapatid
ni John ay laking pasasalamat nila sa pagbabagong nakita nila sa kapamilya.
Ang lahat
ng ito ay para maging bagay lang siya kay Ms. Purple. Nagbabaka sakali siya na
kapag nagbago siya ay may karapatan na siya sa puso niya.Sa muling paghaharap nila
ay may ipagmamalaki na siya. Bago pa sila magtapos, kailangan niya nang masabi
ang nararamdaman kay Ms. Purple.
Nag-eenssayo
sila para sa graduation ceremony. Nakita na agad ni John si Ms. Purple sa di
kalayuan. Pagkakita niya muli sa dalaga ay agad nabalot ng kaba at takot ang
dibdib ni John. Kakayanin ko kayang
masabi sa kanya? Paano kung di niya pa rin ako mapansin?
Umalis sa
pila si John. Naglakad palapit kung nasaan si Ms. Purple. Palapit nang palapit.
Patindi nang patindi ang kabog sa dibdib ni John. Kausap ni Ms. Purple ang
kanyang mga kaibigan. Nagtatawanan sila. Nang biglang napatingin si Ms. Purple
sa papalapit na si John. Nagtagpo ang mga tingin nila. Gusto nang umiyak ni
John sa kaba at saya. Nanlambot ang tuhod niya. Ngumiti si Ms. Purple sa kanya.
Napapikit si John at sabay talikod.Nanginginig ang kanyang mga kamay.Nanlalamig
ang mga ito. Nagmamadali siya bumalik sa kanilang pila. Hinang-hina.
Di ko kayang siyang lapitan. Di ko
kayang sabihin sa kanya.
__________________________________________________________________________
Tumayo na
si John. Sumunod na rin si Billy sa pagtayo. Medyo maraming tao ngayon sa
pinagkainan nilang fastfood chain. Nagkakabanggaan ang mga taong papasok at
palabas, ang mga oorder at tapos na kumain.
“Oops,
Sorry po.” Natabig ni John ang taong nasa likod niya. Lumingon siya para tignan
kung nasaktan o naagrabyado niya ang nabangga.
“Okay lang
iyon,” nakangiti ang morenang babaeng natabig niya. Maikli ang buhok
niya.Kasing-tangkad niya.
Hindi na
napigilan ni John ang sarili. Gusto niya man magsalita, wala na siyang mailabas na
boses sa bibig niya. Gusto niyang yakapin ang babae, pero nangangatog ang tuhod niya. Naiyak na lang siya.
No comments:
Post a Comment