“Dude,
bad news!”
Umiiling
si Billy habang dali-daling itinatago ang Nokia 3315 niyang
cellphone. Bagaman may trabaho na sila, napapansin ni John na hindi
pa rin bumibili ng bagong cellphone si Billy. Simula pa noong
magkakaklase pa sila nang college, iyong Nokia 3315 na ang gamit ni
Billy. Isa sa ipinagtataka rin ni Billy ay ang patagong pag-gamit ni
Billy ng kanyang cellphone na para bang nahihiya dito.
“Bakit?
Anong nangyari?”
Tagaktak
ang pawis si John dahil sa init. Kanina pa naglalakad sina Billy at
John. Binagtas nila ang kahabaan ng EDSA para lang makaalis sa
matinding trapik. May nagkabanggaan na jeep, bus at trak, at humarang
sa Southbound lane ng EDSA.
“Naipit
rin sa trapik si Ja. Di na niya aabutan si Ivan.” Katatapos palang
nga tawag ni Janine kay Billy. Kanina pa pala siya tumatawag kay John
kaso naubos na ang baterya ng cellphone niya. Buti na lang at alm din
ni Ja na may cellphone si Billy.
“Na-try
mo bang tawagan si Ivan?” tanong ulit ni John habang nakakunot ang
noo.
“Hindi
na rin siya makontak e. Malamang ay patay na ang cellphone nun kasi
nasa loob na iyon ng eroplano,” mapaklang sagot ni Billy.
Akala ni John happy-ending na ang kwento nila Ivan at
Janine. Hindi pa pala.
Tanghaling
tapat ngunit tago sa madilim na ulap ang araw. Katatapos pa lamang ng
malakas na ulan. Basa pa ang bagong tabas na damo sa field ng
unibersidad. Kinakabahan si John na naglalakad sa bagong gawang
covered walk sa paligid ng field. Nakatungo at nakapikit siyang
naglalakad at nag-eensayo ng mga sasabihin. Mga ilang beses na rin
siyang nababangga at nakakabangga. Maraming nainis, bumulyaw at
nagalit sa mga nabangga niya. Ang mga nakakakita sa kanya ay
natatawa na lang—pinagtatawanan ang nagmumukhang baliw na si John.
“Mae, may
gusto ako sa’yo,” bulong ni John sa sarili. Mali!
Hindi puwede iyon. “Ahm, Mae, wag ka sana
magalit pero may sasabihin ako sa’yong importante.” Umiling muli
si John. Baka lalong magalit siya sa sasabihin
ko. Nagkakatalu-talo ang lahat ng mga parte
ng kanyang katawan. Puno ng takot at pangamba ang kanyag utak.
Nagwawala na ang puso niya, gustong kumawala sa kanyang dibdib.
Namanhid na rin ang mga basang kamay niya. Namuo ang mga pawis sa
kanyang anit. Hindi niya na rin malaman kung bakit namimlipit ang
kanyang tiyan—kung dahil ba sa kaba o sa gutom. Hindi rin kasi siya
makakain ng tanghalian. Nawalan din kasi siya ng panlasa sa pagkain.
Ganito nga ba mai-in-love?
Papunta siya
sa student lounge. Doon laging tumatambay tuwing tanghalian si Ms.
Purple kasama ang ilang mga kaibigan. Lalakasan na ni John ang loob
at sasabihin na niya ang nararamdaman kay Ms. Purple. Sapat na para
sa kanya ang mga pag-uudyok ni Billy at Ivan na magtapat ng
nararamdaman kay Ms. Purple. “Pa’no malalaman ng babae na gusto
mo siya kung di mo naman sasabihin, di ba?” ika ni Ivan kay John.
Pagdating ni
John sa lounge, nakita na agad si Ms. Purple. Nagtatawanan sila ng
kanyang mga kaibigan. Makita palang ni John ang ngiti ni Ms. Purple
nalulunod na siya sa tuwa. Nag-iinit nanaman ulit ang tenga niya.
Gusto na niya ulit umatras.
“Ano?!
Hindi mo nanaman sinabi?” narinig niya ang boses ni Billy sa
kanyang isip, “Ilang beses mo na sinubukan a. Imba ka, Dude!”
Ayoko niya
nang asarin uli siya ng kanyang mga kaibigan. Yurak na ang kayang
pride. Nagmumukha na siyang baliw at bahag ang buntot. Pero
pa’no ko nga ba sasabihin kay Ms. Purple ang nararamdaman ko?
Pumuwesto
si John sa isang kainan na dalawang mesa lang ang layo kila Ms.
Purple. Sa ganitong distansya, naririnig niya ang pinag-uusapan nila.
“Ang haba
ng hair mo, ‘te,” sabi ng babaeng may maikling buhok kay Ms.
Purple.
“Ikaw na
ang mga may manliligaw. At take note, dalawa pa!” dagdag ng
kaibigan ni Ms. Purple na may salamin. Natawa lang si Ms. Purple.
“Alam nyo.
Kahit sampu pa yang manligaw sa akin, wala pa rin sa akin iyon. Wala
pa sa isip ko ang mag-boyfriend. Out muna ako sa romantic
relationship.”
“Ows?
Pa’no kung magka-gusto ka sa isa mong manliligaw? Mahirap magsalita
ng tapos,” banat ng may maikling buhok.
“Malabo ko
pa mahahanap ang ideal man for me. Ang haba ng qualifications,”
nagtawanan ang mga magkakaibigan sa sinabi ni Ms. Purple.
“Sabagay,
mahirap bumagay sa isang Ms. Almost Perfect,” sabi ng may salamin
kay Ms. Purple.
Hindi na
makagalaw sa kinatatayuan si John. Narinig na niya mismo sa mga labi
ni Ms. Purple na wala na siyang pag-asa. Hindi
pupuwede ito. Ano ang
dapat kong gawin para bumagay ako kay Ms. Purple?
1 comment:
bili nalang si bili ng torque mura lng un!
Post a Comment