“Pambihira
namang trapik eto o!” ang nabulalas ni Billy nang sila ay maipit sa
trapik sa kahabaan ng EDSA. “Bakit ba naman kasi, Manong, dito tayo
dumaan?”
“Sorry
po. Di naman dito dapat trapik sa ganitong oras.”
“Hay
naku! Sa lagay nito di na namin aabutan ang kaibigan namin.”
“Kalma
lang, Dude,” awat ni John kay Billy. Binasag ni John ang kanina
niya pang katahimikan. Patingin-tingin lang siya sa mga kasabayang
bus at ibang sasakyan. Malayo ang iniisip.
“Hulaan
ko ang iniisip mo,” sabi ni Billy kay John. Balik na uli si Billy
sa kalog niyang sarili.
“Ha?”
“Kung
hindi sina Ivan at Janine ang iniisip mo, siguradong si Ms. Purple.
Tama?”
Napangiti
lamang si John at napatingin uli sa labas ng sasakyan.
“Sus!
Wala nang ibang inisip. Alam mo kasi masyadong seryoso ka sa buhay
mo. Lighten up, Dude. Ikaw lang naman. Ayaw mo pa uli magtapat.”
Natahimik
lalo si John. May punto si Billy. Takot pa siyang harapin uli ang
babaeng laman lagi ng isip niya. Alam nila Ivan at Billy ang buong
kwento ng buhay-pag-ibig niya. Hindi niya rin maikakaila sa kanila
ang tungkol sa takot niya sa pupuwedeng isagot sa kanya ni Ms.
Purple.
“Maiba
ako. Sa tingin mo, luluhod din kaya si Janine sa harap ni Ivan?”
pagpapatuloy ni Billy sa pagsasalita. Nagtinginan ang dalawa. Natawa
si John. “Puwede!”
Simula
nang makilala ni John si Mae a.k.a. Ms. Purple, humanap na siya ng
paraan para makita niya muli ang dalaga. Pasimple siyang nagtatanong
sa mga kakilala at ilang miyembro ng CCC tungkol kay Mae. Kung
anu-anong palusot at rason ang sinasabi niya para lang pagtakpan ang
tunay niyang intensiyon sa paghahanap kay Mae.
“Aminin
mo, Dude, sinasapian ka, ‘no?,” tanong ni Billy matapos makita si
John na kausap ang isang miyembro ng CCC.
“Huh?”
“Ang
kilala kong John, e, allergic sa mga nag-pre-praise-the-Lord na
iyon,” paliwanag ni Billy.
Napakamot
si John sa ulo niya. Alam niyang umaasta siyang iba, di tulad ng John
noon. “Naku! Sa susunod niyan a-attend ka na rin ng fellowship nila
para makita lang si Ms. Purple mo,” singit ni Ivan sa usapan.
Nang
mga oras na iyon, nakaisip ng paraan si John para nga makita si Ms.
Purple. Nakaisip siya ng isang ideya na alam niyang labag sa kanyang
personalidad at prinsipyo. Sa mga oras na iyon, gusto na niyang
pasalamatan si Ivan sa kanyang sinabi, ngunit palihim muna siyang
ngumiti.
Isang
Huwebes, pumunta si John sa isang student lounge sa unibersidad nila
na tinatawag na Octagon. Dito kalagian ginaganap ang fellowship ng
mga members ng CCC. Maaga siyang pumunta roon. Nagkunwaring
tumatambay, pero sa katunayan ay nag-aantay siya kay Ms. Purple.
Kinse minute na siyang nag-aantay roon pero wala pang kahit isang
miyembro ng CCC ang pumunta sa Octagon. “Dapat nandito na ang mga
iyon. Dapat alas singko ng hapon, nagsisimula na sila,” bulong ni
John sa sarili habang salit-salitang nagmamasid sa paligid at
tumitingin sa relo.
Karagdagan
pang sampung minute siyang nag-antay at nasabi na nni John na aalis
na siya, nang biglang dumating si Ms. Purple kasama ang presidente ng
CCC at dalawa pang miyembro nito. Natameme si John. Nanigas siya sa
kinauupuang sementong bench. Di niya alam kung ano ang gagawin niya.
Magtatago ba siya? Sasalubugin sila? Hindi mamamansin?
“Uy,
tamang tama at nandito ka,” sabi ni Jime, isa sa mga kasamang
dumating ni Ms. Purple, nang makita si John sa Octagon. Isa si Jime
sa mga miyembro ng CCC na natanungan ni John ng tungkol kay Ms.
Purple. Sa pagkakatanda nga ni John, kaklase niya rin noong grade
four si Jime. “May gagawin k aba ngayong hapon? Imbitahan san kita
sa bible study naming ngayon dito sa Octagon,” dirediretsong
pag-imbita niya kay John.
Ngumiti
si John. Hindi na siya nakasagot. Agad nman siyang pinakilala ni Jime
sa mga sunod-sunod na nagdatingang kasamahan niya sa organization.
“Guys, si John pala. Kaklase ko noong grade four.” Bumati ang
lahat sa kanya. Kinamayan siya at kinamusta. Maraming mga tanong ang
ibinato sa kanya. Di sanay sa mga ganito si John. Isa siyang
pribadong tao at ayaw niyang pinagtatatanong ng tungkol sa sarili
niya na siya rin namang ginagawa ng mga miyembro ng CCC. Kahit na
tipid ang lahat niyang sagot, pinilit niya pa ring maayos
pakitunguhan ang mga taong yon. Lahat ng iyon ay para kay Ms. Purple
na abala sa pakikipag-usap sa issa niyang kaibigan.
Nagsimula
ang bible study, hindi pa rin napapansin ni Ms. Purple si John.
Habang nagsasalita ang youth pastor, kumukuha ng sandali si John para
sumulyap kay Ms. Purple. Napapangiti siya sa tuwing naka-ngiti si Ms.
Purple. Agad din siyang umiiwas ng tingin sa tuwing mapapagawi sa
kanya ang mga mata ni Ms. Purple. Nang matapos ang bible study,
lumapit kay John si Jime na hila-hila si Ms. Purple.
“Mae,
eto si John. Kaklase ko noong grade four,” pagpapakilala ni Jime
kay John.
“Hello!,”
inabot ni Ms. Purple ang kamay niya kay John pra makipagkamay.
Nakipag-kamay naman si John na medyo nanginginig. Tinitigan ni Ms.
Purple si John habang hawak pa rin nito ang kamay niya. Lalong
nangime si John.
“Di
ba ikaw ‘yung kasama naming nung outreach pagkatapos ng bagyo?”
Sa wakas ay naalala ni Ms. Purple.
“A,
oo. Ako nga.”
Makalipas
ng isang lingo, dumalo ulit si John sa Bible study ng CCC para makita
ulit si Ms. Purple. Pero noong araw na iyon, wala si Mae. Naitanong
tuloy ni John kay Jime kung nasaan siya.
“Ah,
may pinuntahan ang family nila ngayon na reunion,” sagot ni Jime, “Bakit mo natanong?”
“Wala
naman.”
“Ows?,”
singit ng isang babaeng miyembro na kanina pang nakikinig sa kanila,
“Wala raw o. Siguro may gusto ka kay Mae, ‘no?”
Nagulat
si John sa sinabi ng babae. Di niya alam kung anong isasagot. Tumawa
ang babae at nagpatuloy sa pag-sasalita, “Namumula siya, o. So
totoo nga?”
“Ah,
e…” ‘Yun lamang ang nasagot ni John.
“Patay
tayo diyan!” nasambit ni Jime. “Advice lang, Bro. Kalimutan mo na
yang feelings na iyan. Malabong magustuhan ka ni Mae.”
“Mas
uunahin ni Mae ang Diyos kaysa sa mga lab-lab na yan. At saka strict
ang parents nun. Mataas na ang standard nun sa lalaki. Kaya tignan mo
NBSB siya hanggang ngayon,” dugtong ng babae.
Parang
napukpok sa ulo si John. Napanghinaan siya ng loob. Pumasok sa kanya
ang takot sa magiging sagot sa kanya ni Ms. Purple kung sakaling
ipagtapat niya ang kanyang nararamdaman. Mahal
ko si Ms. Purple, pero malabo niya nga ba akong mahalin?
No comments:
Post a Comment