Wednesday, June 25, 2008

The Legal Killer: PANINIGARILYO

Government warning: Smoking is dangerous to your health.
Ilang beses na ba nating naririnig ang mga katagang ito? Kailan yung huli? Kanina? Kahapon? O ngayon lang ulit?
Hindi ba kayo nagtataka na kung masama pala sa ating kalusugan ang paninigarilyo, bakit meron paring nagsisigarilyo? Aba't legal pa ito!
Ikaw naninigarilyo ka ba? Aminin. O baka, tagasinghot ka ng mga usok ng mga tagahithit-buga?

Smoking to our youth
Minsan nagkuwento ang isang kaibigan tungkol sa isa niya ring kaibigan. Sobra ang panghihinayang niya sa taong iyon. Bata pa, matalino, guwapo, may kaya rin sa buhay at may magandang kinabukasan pa sana, kaso nagpakatanga sa pagsisigarilyo. Tinawag na nga daw siyang sunog baga ng mga kaibigan niya, ngunit di pa rin mahinto ang pagiging niyang chain smoker.
Isang araw, dinapuan siya ng isang nakakahawang sakit. Tuberculosis. At di rin naglaon siya'y namatay. Nakakapanghinayang nga naman. Bata pa sa edad ng labing siyam ay nasayang na ang buhay. Malay natin. Sa kakayanan ng kabataang iyon, kaya niyang magtayo ng isang negosyo na tutulong sa ating mga walang trabahong kababayan. Iyan e kung hindi siya naadik sa paninigarilyo, nagkasakit at namatay. Wala nang pagkakataong mangyari pa ang pangarap niya sa buhay. Sayang!
Sabi nga ng isang quote: "In smoking, you will not grow old, you'll die young". meron namang nagsasabi ng ganito, "Do you believe in the life after death? Smoke and know the answer". Sarcastic pero sapul! Totoo. Kung sawa ka na nga talaga sa buhay mo edi sige magsigarilyo ka. Isa lang ang ibig mong sabihin. Walang kwenta ka. Walang halaga ang ibinigay sa'yo ng Diyos na buhay.

Smoking in our family
Mahal mo ba ang pamilya mo? Ang mga anak mo? Ang magulang mo? Ang mga kapatid mo? Ang asawa mo? Ang aso nyo? Oo. E bakit ka nagsisigarilyo? Hindi mo ba alam na unti-unti mo pinapatay ang sarili mo kasabay ng pamilya mo? Ngayon alam mo na. Magsisigarilyo ka pa ba? Oo parin? Ang tigas ng ulo!
Sa isang bahay na puno ng nagsisigarilyo at tanging isa lamang ang hindi. Unang mamamatay ang non-smoker. Bakit? Ang second-hand smoke ay mas nakakamatay. Iyong nakikilanghap ang mas maraming nakukuha na nakakalasong kemikal kaysa sa naninigarilyo. Unlike sa naninigarilyo, di na kaya ibuga ulit ng nakalanghap iyong usok na nasinghot nila.
Ngayon, sabihing mong mahal mo pamilya mo, habang hinihithit mo iyang hawak mong sigarilyo, mababatukan kita.
May pagkakataong ang naninigarilyo ang nagkakasakit. Paano kung ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo? Paano kung ikaw ay magkasakit dahil sa sigarilyo at mamatay? Paano na ang maiiwan mong pamilya?
Paano kung magkasakit ka sa baga dahil sa paghihit mo ng sigarilyo? Mahal ngayong magkasakit no! Gamot palang, butas na ang bulsa mo. Imbes makatulong ka sa pamilya mo, pabigat ka pa. Magdudusa ka na, kasama mo pa ang pamilya mo sa dusa. Tsk tsk tsk. Miserable!
Magpapakamatay ka na lang, mangdadamay ka pa ng ibang tao. Manghahawa ka pa ng sakit, dusa at hirap. Kapag namatay ka naman, mahal din. Kailangan pang gumastos ng pera sa lamay at libing. Tsk tsk tsk. Hay naku, kung hindi ka pa makonsensya!

Smoking in our planet
Nararamdaman mo ba ang Global Warming? ang climate change? Kung hindi, manhid ka!
Ano ang sanhi nito? Isa iyang paninigarlyo sa sanhi. Nagbubuga ka yata ng carbon monoxide, isang global warming agent. Tignan mo yan. Pati ang kapaligiran ay nasisira nang dahil sa'yo. Suicider ka na, killer pa, tapos ngayon terrorista pa ng nature. Tsk tsk tsk. Parehas ka na ng mga suicide bomber sa Iraq.

Ngayon. Maaaring isa ka pang legal na mamamatay tao at kapaligiran, pero sabi nga nila, "crime does pay". Sige pa sigarilyo lang, ikaw rin. Nasa huli ang pagsisisi.

No comments: