Una sa lahat, bakit nga ba ako nagsusulat? Magandang tanong 'yan. The reality is I don't like writing. I'm not fond of writing, even people say I'm a good writer. (ahem!) Hindi ko hilig ang magsulat lalo na siguro ang rewriting. Ako ang taong walang notes sa klase, tamad mag-jot down at walang pasensya sa mahabang book to notebook copying. Ewan ko nga at nagagawa ko ngayong magsulat (well iba nga pala ang typing sa writing). Ngayon ano ang dahilan ko? Marami akong ideas, reflections at kung anu anso pa na di na kaya ng utak kong i-accommodate, kaya no choice ako kundi magsulat. Inuunahan ko na kayo na maaaring mali-mali ang grammar ko o yung sentence stucture ko... patawad po.
Ikalawa, ano naman ang isusulat ko? May kabuluhan ba ang mga ito? Naku! Sa ngayon, di ko pa alam ang mga isusulat ko. Isa lang ang sigurado ako. Ang mga isusulat ko ay apektado tayo lahat. Alam kong blog ito, ngunit nais ko i-share din sa iyo ang ilan kong obra (kung anuman yun, abangan mo na lang). Depende din sa iyo kung may halaga ang mga salita ko.
Ikatlo, ano ang pananaw mo sa sarili mo? Hala! Ang hirap sagutin ng tanong ko sa sarili ko. Di bale na! Sagutin ko na rin. (tawa) Ako ang taong katok. Magsasalita ako minsan ng punong puno ng sense, minsan walang walang sense at minsan may sense pero parang wala (bahala na lang kayo umintindi). Mabuti akong tao, kaya sana walang matakot sa akin.(tawa)
Hay! Hangang dito na lang. Sa susunod ulit tayo mag-usap, mag-tsismisan, magkulitan, magprangkahan atbp. Dios mabalos! Bless God then God bless!

No comments:
Post a Comment